Monday, August 13, 2018

Paano malalaman kung SCAM ba ang isang company?

Paano malalaman kung SCAM ba ang isang company?


  • Sasabihan na mag invest ka lang at tutubo na ang pera na wala kang gagawin (Get Rich Quick Scheme)

  • Dapat meron products/ services na kapalit ng iyong inivest.
According to:
The Securities Exchange Commission of the Philippines
requires every company to abide by the Anti- Pyramiding Law (RA 5601). That requires atleast 73% of the amount investment must be given to the investor in the form of products & services.


Like: • Physical products - Ex: Gadgets, Supplements Best example selling Physical products are Lazada, Kimstore
Digital products - Ex: Pictures, Software, Video, Templates Best example: Envato, Thme Forest, Audio Jungle
Information products - Ebooks, Video Training Courses,Etc...

Meron din dapat mga Legal Documents

Sunday, August 12, 2018

SECRETS OF RICH PEOPLE....


Ano nga ba ang alam natin sa "INCOME & EXPENSE" at "ASSETS & LIABILITIES"?




Saan napunta ang pera ni Juan? 
Pamilyar ka ba sa Tatlong mukha ni Juan sa pag gamit ng pera?
Alam mo bang may pagkakaiba sa ugaling pinansyal ang:
  • MAHIRAP 
  • MIDDLE CLASS
  • MAYAMAN
Sobrang simple lang ang pagkakaiba nito. Magtataka ka kung bakit hindi lahat ng tao pamilyar dito mga simpleng DISKARTE dahilan kung bakit 

ANG MAHIRAP, LALONG HUMIHIRAP

ANG MIDDLE CLASS, STRESSED OUT AT WALANG ORAS
AT ANG MAYAMAN, LALONG YUMAYAMAN

Kung matagal mo nang tanong ang mga ito..

Mag eenjoy ka sa mga Facts na inihanda ko para sa iyo...
Sabay nating hihipan ang mga kumakalat na Outdated na information tungkol sa pag- manage ng pera ngayon at as a Bonus 

Titignan din natin kung may pag- asa pa ba sa panahon ngayon ang simpleng Juan na umasenso't yumaman?


Halika at isa't- isa natin silang tingnan..


Mag simula tayo sa regular na araw ni Juan Mahirap

Gigising sya sa umaga at magmamadaling pumasok sa trabaho (kung maswerteng may trabaho nga sya)
madalas contractual; minimum wage; minsan less than minimum pa... Masipag at matiyaga naman sya!
Pag tatyagaan ang traffic at ang sumpong ng boss na masungit at pagkatapos mag banat ng buto buong araw...
Uuwi ng pagod... magpapahinga at uulitin lahat ng ito kinabukasan. Gagawin nya ito ng araw-araw para sa kapos- saktong sweldo. Tama ka hindi na ito bagong istorya...
Ano nga ba ang diskarte ni Juan Mahirap pagdating sa pera.
Bago ang pag iipon para sa pangkabuhayan... Madalas na uuna ang Jollibee dito, sine doon at ang silent killer ng bulsa...

Bili ng kung anu-ano, kung saan- saan... 

Kahit hindi kailangan, mga abubot...bakit? kasi may SALE/ SURPLUS/ UKAY-UKAY at TIANGGEAN...
minsan lang at mura lang naman... Kadalasang mga dahilan bibili kahit hindi naman kailangan...
Ang resulta... Wala pang 15th & 30th ubos na ang pera kaya uutang nalang. 
Gusto namang magbago ng buhay ng Mahirap na Juan pero magpapaulit- ulit ang kalagayan nya hangga't hindi nya nakikitang patong- patong na gastos ang bigay ng abubot nya! Na pag naipon... Pwede nang puhunan sa Negosyo..
Pero hindi masamang tao ang Mahirap na Juan... 
Kagaya ng sinabi ko muka lang diskarte sa pera ito...
Marami sa atin ang dumaan din sa Mentality sa Mahirap na Juan, Hindi nya ito kasalanan... Maaring mis inform lang...
Paano nga naman bukod sa Di Lahat nakapagtatapos ng pag-aaral, Di naman tinuturo ang Pinasyal na kaalaman sa paaralan madalas ang ugali sa paghawak ng pera ay ugaling namamana lang! So, saan napunta ang pera ni Juan Mahirap? Dito na papasok ang tinatawag nating:
1. INCOME AT EXPENSE
2. ASSETS AT LIABILITIES
Huwag kang mag-alala.. Hindi Economic Class ang pinasok mo... Simple lang ito.. So, ano nga ba ang praktikal na kahulugan ng INCOME AT EXPENSE... AT ASSETS AT LIABILITIES...

unahin natin ang INCOME - ito ang perang pumapasok sa iyo inshort INCOME = KITA


kapag lumabas naman ang pera tinatawag natin itong EXPENSE... sa madaling salita EXPENSE = GASTOS


ngayon.. Ano naman ang ASSETS at LIABILITIES...

ASSETS ang isang bagay kung binibigyan ka nito ng Income o Kita at LIABILITY naman kung expense o gastos ang binibigay nito...

Balik sa tanong... Saan napunta ang Pera ni Juan Mahirap? ang maikling sagot.. Madalas... maraming expense (gastos) kaysa maraming Income (Kita) ang mahirap na Juan.


Maaring sa Sahod o maliit na extra lang sya umaasa para sa Income samantalang kaliwa't kanan naman ang pinanggagalingan ng Expense.. Naloko na...


May Pag- asa pa ba ang Mahirap na Juan? malalaman natin yan mamaya... Ngayon tingnan muna natin ang 


Behind the Scenes Kwento ni Juan Middle Class..

Sa unang tingin Ok na ok ang lagay sa Middle Class na Juan ang totoo nyan malaki ang tsansang mapag kamalan mo syang mayaman. May bahay, may kotse, at nakikita mo silang nagbabakasyon minsan at kung may bagong labas na gadgets mag uupgrade ang Middle Class na Juan. Pero ang hindi alam ng karamihan marami dito ay promo, hulugan o utang sa credit card na buwan- buwan sa sweldo na kakaltas. 

So, saan napupunta ang pera ni Juan Middle Class?

Ang maikling sagot.. Mas maraming Liabilities nagbibigay gastos kaysa Assets ang binibigay ng Middle Class na Juan. Imbes na Investments na gagawa ng Income... Nauuna sa listahan nya ang pag gagamitan ng pera ang upgraded na Lifestyle. Gusto nya ang convinience at quality sa buhay...

Tingnan nating halimbawa ito...

Kung traditional economics ang pagbabasehan ang kotse at bahay na madalas na sinasabing Assets? Sa praktikal na buhay ni Juan Middle Class. Masasabi nating Outdated na ang pananaw na ito... Sa definition natin ng ASSET kung gumagawa ito ng "INCOME". Pero madalas pag down payment mo ng kotse, bahay o alahas money out agad... Sa mga susunod na buwan may babayaran ka ulit... at wag mong kakalimutan na nandyan pa ang insurance at tax money out nga naman... LIABILITIES...

Ang kotse ay nagiging ASSET lang kung nakakatulong sya gumawa ng Income. Halimbawa nalang kung gamit sa negosyo... Ang bahay ay pwede maging asset kung paparentahan mo ito, lalagyan ng mga produkto sa negosyo o storage o di kaya ay kung nag BUY & SELL ka ng bahay at mabebenta mo ito ng mas mahal.


So, bakit walang oras at stressed out si Juan Middle Class? para mabayaran ang mga Liabilities kailangan mag overtime, kumuha ng mas maraming trabaho at maghangad na mapromote ng middle class na Juan kung sya ay empleyado.. Para sa mga Professional at Self Employed kailangan nilang kumuha ng mas maraming Clients o projects. In short, kailangan nilang ibenta oras at skills nila ng higit pa sa ginagawa nila dati nung wala pang Liabilities para kumita ng mas malaki tulad ng kalagayan ng isang Doctor, kung hindi nya sisiputin ang pasyente nya.. Wala syang kita. Dito mo makikitang may lumalamon na oras ni Juan Middle Class. May mga celebration sa Family & friends ang hindi nya ma attendnan. Kaliwa't kanan stress ang kapalit ng upgraded lifestyle ni Juan Middle Class..


Para sa kayod kalabaw na diskarte nito. Gugustuhin nya ng reward tama?! Kaya mas madalas na syang mag taxi kahit pwede namang mag jeep, Star bucks coffee na dati ok na ang 3in1, sa restaurant na madalas kakain... kahit pwede namang sa bahay. Ilan halimbawa lang ito, sa oras na maisip ni Juan Middle Class na mag negosyo... Ang kita nyang pang pupuhunan sana pambayad sa liabilities na pupunta. Kung tatanungin mo sya kung ano ang gusto nyang baguhin madalas ang sasabihin nyang ibalik sa kanya ang oras nya...

Mabait si Juan Middle Class... Gusto nya ng maganda at kumportableng buhay para sa pamilya nya, magaling din sya sa trabaho o sa profession nya. Sa kasamaang palad pagdating sa pinasyal na mindset... may outdated information syang dala.. Ang dating nyang akalang assets ay liabilities na pala... May pag- asa pa ba si Juan Middle Class? Malalaman natin yan ilang sandali lang...

Ngayon tingnan muna natin ang sikreto ni Juan Mayaman..

Alam mo ba na madaming Juan Mayaman ang Self made?! 
Ibig sabihin bunga mismo ng sariling pagod, 
sakripisyo at tyaga ang tinatamasa nilang tagumpay...
Simple lang kung susumahin mo ang Lifestyle nya,
may Time & Financial Freedom, maluwag ang buhay kung may kailangan... May choice sila kung anong sasakyan nila, saan sila titira, sino ang makakasama at makakatrabaho nila, kailan at saan sila magbabakasyon at iba pa...

In reality, mas madami din silang tsansang makatulong sa kapwa gaya ng pag donate sa charity at pag sali outreach program. Balik tayo sa tanong... Saan napunta ang pera ni Juan Mayaman? 


Kapag may perang hawak si Juan Mayaman sa assets nya ito dinadala at sa assets na ito ay kikita pa ng mas maraming pera para sa kaniya. At ano naman ang gagawin nya sa bagong kita na ito?!  Tama ka =) iinvest ulit nya sa ibang assets pa... ANo ba ang example ng mga assets na ito?

Nandyan ang Investments, Apartment o Kotseng pinaparenta, Edukasyon, Seminar, Trainings at iba pa na magtuturo sa iyo ng Skills na kaya kang bigyan ng "Kita" ay assets din...

Sabi nga ng isang bumper sticker.

"IF YOU THINK EDUCATION IS EXPENSIVE TRY IGNORANCE."
ibig sabihin kung tingin mong mahal ang edukasyon subukan mo ang kamang-mangan.

Assets din ang Negosyo lalo ang kumikita ng "PASSIVE INCOME". Paano ba na pagtatrabahuan ni Juan Mayaman ang kanyang Time & Finacial Freedom?! Ang sikreto... 


PASSIVE INCOME at LEVERAGE...


Sa praktikal na ang ibig sabihin, Ang Passive Income ay income na pumapasok kahit tapos na ang malaking parte ng trabaho mo dito. Konting oras nalang ang kailangan ni Juan Mayaman para imaintain ang assets nya.. Kahit natutulog sya, pumapasok parin ang kita.


Hiramin muna natin kay Robert Kiyosaki ang ibig sabihin ng Leverage. "Ability to do more and more with less and less." Ibig sabihin ang tunay na leverage ay kakayanan na gumawa ng mas maraming gamit ang mas kaunti. Para mas madali nating maintindihan gawin nating halimbawa.


Paano nag simula ang isa sa  pinaka malaking drugs store sa bansa. Maraming nasira nung World War II. Pagkatapos nito kailangan mag rebuild ng buong tao dito na papasok si Mariano Que. Napansin nya ang demand sa isang uri ng antibiotic na tinatawag na "Sulfa Drugs", paano nya nalaman, ginamit nya na leverage ang natutunan nya bilang empleyado sa isang drug store bago pumutok ang world war II nung mga panahon noon nagsisimula ulit ang lahat at kahit naman ngayon ang taong may enough information kesa sa iba ay nakakalamang. Gamit ang P100, bumili sya ng Sulfa Tablets at kumita sa paglalako nito.. Ginamit nya ang mga unang kita nya para bumili ng ulit ng mga tabletang ilalako, hindi nya ginamit sa liabilities at abubot ang mga sumunod na kita, nag ipon sya at gumawa ng kariton ginamit nya ito para makabenta ng mas marami pa. Naging assets at nagbigay ng leverage sa kanya ang kariton. Taong 1945, nakaipon at naipatayo ang kanyang unang drug store pinangalanan nya itong Mercury Drug. Ngayon kahit natutulog si Mariano may higit kumulang na 900 na branches na at 11,000 na empleyado ang mga nagtatrabaho para sa kanya. Leverage, dahil dito pumapasok parin ang passive income sa kanya, pwede mong gawin ang ginawa nya..


Gamitin mo ang pera mo sa pag sisimula ng pagkakakitaan, nandyan lang sa tabi-tabi ang mga negosyong kayang mag bigay ng passive income at leverage sa iyo gaya nalang ng experience ko hindi ko inaakalang isang maliit na flier lang na inabot sa akin sa mall ang magiging tulay para sa isang negosyo na magbibigay ng passive income at leverage sa akin.


Naging ugali ko na i-prioritize ang pagkuha ng assets bago liabilities.


Ano ang conclusion natin ngayon na magpapayaman sa iyo?


Intindihin mo ito.. hindi lang ang "Pagkakaroon ng Pera" ang nagpapayaman sa tao, para hindi ka matulad sa 70% na lotto winners na lalong nagiging mahirap dahil sa maling diskarte sa pera.


Dapat alam mo kung "PAANO AT SAAN GAGAMITIN" ang pera pag nagkaroon ka nito dahil sa internet mas madali nang maghanap ng negosyong sisimulan sa maliit na capital at pwedeng palaguin para bigyan ka nito ng passive income at leverage.


Ang importante kailangan mo silang hanapin, kailangan mong maging open at tumingin tingin sa mga ideas. At pag nakakita ka, pag-aralan at i-research mo ito. Nandyan lang sila, kailangan mong bigyan ng chance ang sarili mo na maging "IN-THE-KNOW" ang ibig sabihin kapag nandyan na ang pagkakataon sa harap mo, alam mong hindi mo dapat palampasin ito... At sa pagkakakitaang papasukin mo ipunin mo lang ang income mo. Gamitin mo ito para palaguin pa ang assets mo. Hanggang ang kita ng assets at negosyo mo. Kahit hindi mo na directly pinapatakbo ay nagbabayad ng bakasyon, gadgets, kotse, at bahay ng pamilya mo.


Gaya ng mga self made na Juan Mayaman, kaya mo itong simulan...



Thanks sa pag visit, pag nuod o pagbasa sa blog ko..

Nakitaan mo ba ng aral ang blog post kong ito? 
Comment mo sa ibaba.. Share mo na rin sa iba...



Discover the Secret on How to Have Passive Income & Leverage by Using Facebook 

CLICK ME



LEARN. TEACH. INSPIRE

Join my Group here